pangarap ng isang baliw

naglalakad sa kawalan ng pag-asa,
bawat taludtod ng pagkakataon ay inaasam,
sa bawat galaw ng kahapon at ngayon,
namumutawi ang ngiti sa luha ng pighati.

kung ngayon ang ulan ay may hapis,
sa kahapon ng tag-araw,
nagkukubli ang hindi mo alam.
sa panalangin ng isang simpleng tao,
ano ba’ng dapat at hindi dapat?

kailan lang nang makita ko,
ang pagkalunod ng isang baliw.
nangangarap sya marahil ng lumakad sa tubig,
subalit kamatayan ang dinulot nito.

“maari bang mapigilan pa,
ang iyong di maaming binabalak?
nakalimutan na ang pagsasama,
di na ba kayang mapagbigyan?”
ang awit sa himpapawid ng mga sandaling yun.

hindi ko marahil maipapaliwanag,
dahil wala namang aaming sila’y nababaliw,
marahil takot ang bawat isa.

written: October 20, 2009
Gabs Narazo 
© 2009 [soulprojekt publikation]
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s