[ Anino, first part ]

Gabi. Umuulan ng gabi ng Biyernes. Naglalakad ang mga-asawang Jody at Erwin Viernes sa may Luneta, pagdating nila sa may lugar na medyo madilim, biglang nagpakita ang isang anino. “gusto ko lang na ibigay nyo ang pera nyo sakin’ sabi ng lalaki na may malalim na boses. Unti-unting lumapit ang anino sa may liwanag ng ilaw, may dalai tong .45 baril. “Hon, ibigay mo na lang ang pera.” Sabi ni Jody Viernes, may-ari ng Viernes Flower Shop sa may Malate. “hindi Hon, bakit ko ibibigay sa kanya?” sagot naman ni Erwin Viernes, may-ari ng ilang farm sa may Davao, Cebu at Cavite. Parehong successful business persons ang mag-asawa. “Sir, kailangan lang namin ang pera nyo. Walang masasaktan.” Sabi ng lalaki. “kaya mo ba ang sarili mo? Wag kang magyayabang dahil i can take you on my own!” paninindak ni Mr. Viernes. “HAHAHAHA!” natatawang sagot ng lalaki. Napalingon si Mrs. Viernes sa likod nito, napansin nyang may tatlong lalaking nakatayo sa likuran nya. Natakot sya lalo, “Hon, I suggest you give them the money.” Lumingon si Mr. Viernes, nakita nya ang isang grupo ng mga lalaking may mga hawak na armas. Napansin din nilang tila pare-pareho ang mukha ng mga ito. “mga nakamaskara pala to.” Bulong nya sa sarili. Narinig na lang ni mag-asawang Viernes ang tunog ng baril, paglingon nila sa lalaking nasa harapan nila, dalawa na sila, at may mga baril ang mga ito. “sabi nang ibigay nyo ang mga pera nyo eh!” pananakot na nito. Nilabas ni Mr. Viernes ang wallet nya, hinagis sa mga lalaking nasa harapan nila. “uy, tanga ka ba?! Alam naming hindi lang ito ang dala nyong pera noh! ILABAS NYO NA!” ”HAHAHAHA!” tawanan ng mga taong nakapaligid na sa kanila. Natakot si Mrs. Viernes, kaya hinagis na nya ang bag nya sa mga lalaking nasa harapan. ”yan! Susunod din pala kayo eh! Mga LETSE!” “pare, mukhang malaman si Mrs ah!” sabi ng isa sa mga lalaking ngayo’y nakapalibot sa kanila. “oo nga no!” sagot naman nung isa, “pwede bang tikman yang asawa mo sir?”. Natakot ang mag-asawa, lalong napakapit si Jody kay Erwin. “HAHAHAHA!” malakas na tawanan at sabay ng pagkidlat ang mabilisang pagsialisan ng mga lalaki.

Kinabukasan, Sabado, nag-report ang mag-asawa sa mga pulis. Nakausap nila dito si Captain Bernadette Callantas. Kahit na babae sya, sya ang head ng Presinto 13. ”Captain, i want those thugs apprehended ASAP!”, utos ni Mr. Viernes. ”Mr. Viernes, i know where you’re coming from, but we need to have their descriptions”. ”EH WALA NGA EH! May mga maskara silang suot, yung kulay puti” sigaw ni Mr. Viernes. ”hon, i suggest ako muna makikipag-usap kay Captain.” sabi ni Mrs. Viernes. Lumabas padabog si Mr. Viernes, pumunta sa harapan ng Police Station at nagsindi ng sigarilyong mamahalin. Nakabihis pangmayaman si Mr. Viernes ng araw na yun. Dahil pagkatapos ng araw na ito, pupunta sya sa club na MWD. Makikipagkita sya kay Regina. Isang sikat na dancer sa MWD Club. Unang beses nyang nakita si Regina, tinamaan na sya dito, lalo na pag gumigiling sya sa entablado. Tumutulo ang laway nya sa tuwing nakikita nya to, kaya lagi nyang niyaya sa VIP ang babae. Ilang beses na rin nyang nailabas si Regina, at sa tuwing lalabas sila, diretso lagi sa Victoria’s Court ang punta para makipag-sex dito. At nang umabot na ng 2 buwan ang relasyon nila, ibinay na nya ang babae sa isang condo sa Eastwood City.

Lagi naman nyang binibigyan ang babae ng extrang pera, at laging umaga na rin ang uwi nila. At ang laging nyang rason sa asawa ”business meetings that are really hard to refuse.

Matagal pang naghintay si Mr. Viernes sa labas ng presinto. Mga kalahating oras na’ng nakakaraan ng lumabas ang asawa. Sa loob ng presinto, “Captain, hindi po talaga naming nakita ang mga taong gumawa samin nun. May mga suot silang maskarang puti, yun lang ang masasabi naming”. “hmm…” naisip bigla ni Capt. Callantas ang insidenteng nangyari din ilang araw na ang nakakaraan. May ganito ring report na napunta sa kanila tungkol sa isang grupo ng mga lalaking nangho-holdap at may mga suot na mascara. “sige po, Mrs. Viernes, paiimbestigahan ko ang report nyo. Meron na ring kasing report na same as what you have given me. In the meantime, umuwi na po muna kayo at nang makapagpahinga kayo.” Suhestiyon nya. “as if naman may mangyayari sa gagawin inyo” Bulong ng ginang. “you are saying something, Mrs. Viernes?”, “ah wala. I said thank you for the assurance, Captain. Aalis na kami.” Sabay abot ng kamay sa Kapitan. Paglabas ng presinto, pinuntahan nito agad ang asawang nakatayo sa may kotse sabay daan ang isang black SUV na lulan ang mga 4 o 3 lalaki. Isa ang bumababa sa SUV at lumapit kay Erwin, kunwari magtatanong ito ng direksyon. Nakita ni Jody na bumunot ng 9mm pistols na kulay itim at pinaputukan si Mr. Viernes. “pak-pak-pak-pak-pak!” napasigaw na lang bigla si Jody sa takot ng makita at marinig ang mga putok. ”AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!” sigaw nito. Tunog ng mga putok na narinig ni Capt. Callantas sa loob ng opisina nya. Dali-daling tumakbo palabas ang kapitan, inabutan nyang nakatingin lang ang mga tauhan nya.  “bakit nakatayo lang kayo dyan!?” sigaw nito, “tumawag kayo ng ambulansya!!!” utos nito sa isa.

Naghihingalo na si Mr. Viernes dahil sa anim na tama nya sa katawan, iba’t-iba na ang tumatakbo sa isip nya, at nahihirapan na sya. Samantalang si Mrs. Viernes naman ay napapaiyak dahil sa pagkagulat. Hindi na nya maintindihan kung anong gagawin. Natatakot sya dahil sa katabi nya lang ang asawa nang pagbabarilin ito at hindi nya alam kung bakit hindi sya binaril ng mga namaril sa kanila. Lumapit ang mga pulis para tulungan ang lalaki, inalayo nila ang asawa nito para hindi na abutin pa ng kung ano man.

Maya-maya pa, dumating ang ambulansya, mahina na si Erwin ng kunin at isakay sa ambulansya. Nilapatan aga dito ng paunang lunas. Sumakay sa police car si Jody kasunod ng ambulansya. Mabilis ang naging takbo ng ambulansya. Pagdating sa ospital, pinasok agad sa emergency ang lalaki. Tiningnan ng doktor, sinubukan nilang i-revive ang matandang mayaman pero huli na ang lahat. Anim na bala ang tumama sa lalaki, lahat ito, kritikal. Ginamitan uli ito ng defibrillator para subukang buhayin pero, hindi na kinaya. Nag-flatline na ito.

Isang mahabang katahimikan. Lumabas ang doktor na nakayuko, nahulaan agad ni Jody ang sasabihin ng doktor, umiyak ito sa sama ng loob. Mabuti na lang at nandun si Capt. Callantas na syang umalalay sa kanya. Pitong tama ng bala ang tumapos kay Erwin, nagulat pa nga ang doktor dahil umabot pa ito sa hospital. “siguro’y sinadya ng killer ang mahirapan si Erwin bago mamatay.” Sabi ng doktor. “napansin ko pating may marka ang mga bala nya, customized ang mga ito.” Sabay abot sa isa sa mga balang nakuha kay Erwin. Nakalagay ito sa isang bag ng plastik para din sa imbestigasyon. Pinakita ng doktor ang inscription sa bala, “Mensajeros”.

Sa burol ng lalaki, marami ang dumating. May mga politiko, mga sundalo at pulis na nangakong hahanapin ang pumatay sa lalaki. Andito rin si Steve Noldato. Isang mayamang negosyante. Naging business partner ni Erwin Viernes si Steve pero ilang taon na ang nakakalipas ng pinaalis sa ng company si Erwin dahil nabili na ito ni Steve. Kilala sa lipunan si Steve dahil sa yaman nito. Marami na itong negosyo at napapabalitang sya rin ang may-ari ng MWD Club at MWD Casino. “hahahaha! ” natatawang sagot lagi ni Steve pag tinatanong sya tungkol dito. “I do own a several companies, Kleng”, nung minsang na-interview ni Kleng si Steve. “sure I have a resto, but clubs and casinos are not in my plans… yet.” Sagot nya. Pero sa pagkakataong ito, hindi sya ang sentro. “Mr. Noldato,” tanong ni Kleng, “any thoughts on the death of your former partner and friend?”. Tumingin lang si Steve kay Kleng, biglang nakaramdam si Kleng ng kaba. Tinalikuran lang ni Steve si Kleng at dumiretso na ito papunta sa sasakyan nya. Hindi mainitindihan ni Kleng kung takot ba o ano ang naramdaman nyang kaba. “something’s not right with this guy”, bulong ni Kleng. “anong something’s not right Kleng?” tanong ng partner ni Kleng na si Jerome Delolos. “hindi ko pa maipaliwanag, pero basta” sagot na lang nito.

Nilibing Erwin Viernes sa North Cemetery. Umiiyak ang asawang biyuda sa mga pangyayari. Hindi alam kung pano magsisimula. Nakapaligid sa kanya ang mga kamag-anak at ang amang si Dr. Adrian Pantonja. As usual, kasama ng doktor ang alalay nyag si Simeon. Isang lalaki na natagpuan ng doktor nung isang taon. Wala itong alaala kung sino o taga-saan sya. Pero nang matagpuan ito ng doktor, may suot itong damit na nakalagay sa pangalang “SIMEON”, kaya yun ang naging pangalan ng doktor sa kanya. Sa halos katabi ng puntod ni Erwin Viernes ay makikita ang puntod ng isang pamilyang biktima din ng isang grupo. Sina Tricia at Vincent Guevara.

Nilapitan ito ni Capt.Callantas, isa ito sa mga kasong “minana” nya sa previous station head ng Precint 13. Ayon sa reports, “Tricia was raped by several men during her 2nd month of pregnancy. Her body was already on the early stages of decomposition when it was found with her husband’s clothing’s. It has been several months of searched already and we cannot find her husband’s body whom we assumed was buried someplace else.” “Walang nang nakaalam pa.” bulong ng kapitan ng danan muna nya ang puntod ng mag-asawa.

Nagtataka si Capt. Callantas kung ano ang mensajeros. “Mensajeros ay salitang Chavakano, na ang ibig sabihin ay Messengers…” paliwanag ni Claire Manglapus kay Capt. Callantas. Magkababata si Claire at Bernadette, magka-klase sa high school. Ngayon ay isa na itong reporter para sa Batingaw ng Bayan, newspaper na pinatatakbo ng Chief Editor na si O-Anne David. “Mensajeros”, isip ni Bern, palayaw nito, habang naglalakad hawak ang ebidensya. “ibig sabihin ba nito, mga Chavakano ang pumatay kay Mr. Erwin Viernes?” tanong nya kay Kleng. “hindi ko alam Bern, pero, magtitingin ako tungkol dyan.” Sabi nito. “PERO,” hirit ni Kleng, “alam ko na Kleng,” sabat ni Bern. “you want exclusivity of the story, right?” hula nya. “you got it.” “YEHEY!” sigaw ni Kleng. “pero Kleng, mag-iingat ka sa research mo.” Paalala ni Bern. “ako pa!” Pagyayabang ni Kleng. Itinuloy na ng dalawa nag pagkain ng hapunan. Maya-maya pa, umuwi na si Kleng.

Alas-2 ng umaga ng mag-ring ang phone ni Bern. ”mam, sorry po kung naistorbo ko kayo…” sagot ng lalaki sa kabilang linya. “bakit, ano ba problema?” tanong nito habang nagpupunas ng mukha. Alam nyang hindi tatawag ang tao nya ng ganitong oras kung hindi importante. “mam, may holdapan pong naganap. Pinatay ng mga robbers ang 3 security guards ng East Bank dito sa may Quezon Ave. Lahat headshot.” Napailing na lang ang Kapitan. “sige, pupunta na ko dyan. Tingnan nyo kung may surveillance camera ang banko, check nyo kung magkano ang nakuha at wag nyo palalapitin ang media.” Utos nya. Pagdating nya sa crime scene, nakita nya ang mga guards na nakahandusay na. puro headshots nga. Halatang walang planong buhayin ang mga bank robbers. “mam! Eto na po ang surveillance camera.” Sabi ni PO1 Alvin Delanya.  “sige, salamat.” Tatalikod na sana ng, “mam, lahat sila humarap sa camera, pero may mga maskara silang kulay puti na parang sa Jabawokeez.” report nito. Dun nagulat si Kapitan. “sige, titingnan ko muna. Salamat”. Sabay talikod nito papunta sa loob ng bangko. Malapit na sya sa may pinto ng biglang, “BOOM!!!!” isang malakas na pagsabog tapos nakita na lang nila ang isang sasakyan na nagliliyab habang andun pa ang driver sa loob. Nagulat ang lahat at patakbong nagpunta dito ang mga pulis. “WAG NYO PALALAPITIN ANG MGA TAO!” utos nya. Isang taxi ang sumabog at nagliyab. Patay na ang driver nito. Wala na silang napansin na tao sa paligid. “mam, pano na to, 2 crimes in a span of 3 hours…” sabi ni PO1 Delanya. “hindi 2 crimes PO1, 3 big crimes in 2 week.

Dumating na ang mga bumbero at wala na ang apoy sa taxi. Nakita rin ni Capt. Callantas si Claire, kasama ang photographer nitong si Jerome. “Kleng, ang bilis mo namang nakarating dito!”, bati ni Bern kay Kleng. “mahirap nang maunahan mo ako dito, eh di napagbawalan mo pa ako kung nagkataon. Besides, I want to be the first to report this sa newspaper. Interview mamaya”, sagot naman ni Kleng. Samantalang si Jerome naman ay panay ang kuha ng litrato sa camera sa crime scenes. “Capt. Callantas,” tanong ni Kleng para sa interview nya, “do you have any leads now as to who the perpetrators of these 2 crimes are?”, medyo nagulat pa ito ng makita ang tape recorder ni Kleng. “we do have suspects now but we still need to look deeper into that” sagot naman ng Kapitan. “these cases are really not new, Claire, but the public needs to report to us anybody na sa tingin nyo ay kahina-hinala.” Paalala ng Kapitan. “pero Captain, this is the 3rd taxi that got bombed and the driver’s the 3rd to be burned alive habang namamasada. May suspek na ba kayo?”, pagtatanong uli ni Kleng. “wala pa. that’s why we are continuously asking the people to report if they know anything at all. Sige, salamat po.” Sabay alis ng kapitan. Medyo nahihirapan nga sila sa imbestigasyon dahil sa loob ng dalawang linggo, tatlong taxi na ang pinasabog ng kung sino. At wala pa rin silang motibo dahil halatang hindi ito pagnanakaw. “Kapitan, hindi kaya isa itong paghihiganti?” sagot ni SPO2 Mikai Talavera. “pansin ko lang Kap, walang pagnanakaw, tumatakbo ang taxi, walang laman kundi driver lang. tingin mo?”, tanong nya sa Kapitan, “pwede yan Mikai, naisip ko na din yan. That’s why nasa report na yan”, sagot ng kapitan.

Habang isa sa mga nakatingin sa krimen, isang lalaking nakatayo sa may madilim na bahagi, “dapat lang yan sa inyo. Mga bastos na taxi driver. Patuloy nyo pa kong tanggihan, patuloy kayong magsisimatayan. MGA HAYOP KAYO!”, isang mapait na mukha ang hindi nya kayang ipakita. Lumayo na ito papunta sa ibang direksyon. Pauwi.

Samantala, sa isang condo sa Westpine City. “HAHAHAHAAH!!!! Ang laking pera nito!” bulalas ng isa sa 5 lalaki. “oo nga, pero dapat, ingat muna tayo. First job natin to na malaki ang kita.” Sagot ng pangalawa. “basta, wala munang maggagala at bibili ng kung ano-ano ha. Mahirap na. baka hindi na tayo makadalawa nan”, paalala ng pangatlo. “wag kang matakot, alam naman natin yun eh. Walang gastador. Next week, ibang bangko naman.” Sagot ng pang-apat. “sige boys, bibili lang ako ng beer at pulutan. Pakasaya muna tayo kahit ngayon lang.” sabay labas ang pang-lima para bumili ng beer.

itutuloy….

Advertisements